Isa pang show cause order ang inilabas ng Comelec laban sa isang kandidato sa Nueva Ecija

Naglabas ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) – Task Force SAFE laban kay Virgilio Bote na kandidato sa pagka-gobernador ng Nueva Ecija.

Ito’y kaugnay ng kanyang naging pahayag sa isang campaign event noong April 3, kung saan binanggit niyang “nakaluwag” ang kanilang kampanya dahil ang kalabang mayor ay nasa ospital at may malubhang sakit.

Ayon sa Comelec, ang naturang pahayag ay maaaring lumabag sa Anti-Discrimination at Fair Campaigning Guidelines, partikular sa bahagi laban sa public ridicule ng mga Persons with Disabilities o PWD.

Inaatasan ng Comelec si Bote na magpaliwanag sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi siya dapat sampahan ng kasong electoral offense o madiskwalipika sa 2025 midterm elections.

Facebook Comments