Isa pang suspek sa Batocabe slay, sumuko na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga sumukong suspek sa pagpatay kay AKO Bicol Representative Rodel Batocabe.

Kinumpirma ito ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Aniya hawak na rin nila ang isa sa mga suspek na si Jaywin Babor alyas Jie na sumuko sa Taguig City kaninang umaga.


Ayon kay Albayalde, idiniin ni Babor si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo dahil sa onsehan o hindi nabuong bayad sa kanila matapos isakatuparan ang pagpatay kay Batocabe.

Sa ngayon, apat na sa suspek na ang hawak ng mga Pulis na sina Christopher Naval alyas Tuping, Emmanuel Rosello alyas Boboy, Henry Yuson alyas Rommel at ang huli ay si Babor gayundin ang testigong si Emmanuel Jaduvar.

Tuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa dalawa pang suspek na sina Rolando Arimando alyas RR at Danilo Muella alyas Manoy Dan na pawang mga accessory to the crime.

Habang nananatiling at large din si Mayor Baldo kaya at sinabi ni Albayalde na nakipag-ugnayan na sila sa Bureau of Immigration (BI) para makapagpalabas ng look out bulletin laban dito.

Facebook Comments