Isa pang terorista na may koneksyon kay ASG leader Mundi Sawadjaan, nahuli sa Zamboanga City

57

Naaresto ng mga tauhan ng Intelligence Group – Philippine National Police (PNP) at Police Regional Office 9 ang isa pang High Value Target.

Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, ang naarestong terorista ay kinilalang si Hashim Saripada o mas kilala sa tawag na Ibnu Kashir.

Siya ay nahuli ng mga tauhan ng Regional Intelligence Unit-9 at 84th Special Action Company sa Barangay Recodo, Zamboanga City, alas-6:30 ng umaga kahapon sa bisa ng warrant of arrest dahil sa multiple murder at multiple frustrated murder.

Si Saripada ay sinasabing assistant ni ASG leader Mundi Sawadjaan na nasa likod ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Agosto 2020.

Facebook Comments