Isa patay, 12 sugatan sa aksidente sa loob ng mall sa Cavite

Sinugod sa Carmona Medical Hospital ang 13 biktima matapos mawalan ng kotrol ang isang kotse sa Waltermart Carmona Cavite.

Ayon kay PO3 Marlon Ramirez, nakaparada sa PWD parking ang driver na si Rosendo Mamucod 66-anyos, ala-una ng hapon.

Bigla na lang umandar ang Montero Sports at inararo ang nasa paligid hanggang sa pumasok pa sa loob ng mall.


13 ang naging biktima, may senior citizen na nasagasaan at 4 na bata  ang sugatan na may edad 3, 4 at 6 na taong gulang.

Dead on arrival naman sa Carmona Medical Hospital ang biktima na si Rollen Sartiel.

Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon kung bakit bigla na lang nawalan ng kontrol ang nasabing Montero Sports.

Facebook Comments