Isa, patay habang isa sugatan sa kaso ng pamamaril sa Taguig City

57

Patay ang isang lalake habang sugatan naman ang kasama nito matapos pagbabarilin sa Barangay Lower Bicutan sa Taguig City.

Naganap ang pamamaril kaninang pasado ala-1:00 ng madaling araw.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig Police, sakay ng motorsiklo ang dalawang biktimang lalake nang pagbabarilin ng tatlong salarin na sakay ng tricycle.

Naisugod pa sa ospital ang isa sa mga biktima habang agad namang binawian ng buhay ang kasama nito.

Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa naturang pamamaril.



Facebook Comments