Isa patay, Isa sugatan matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo

24

Lezo, Aklan – Isa ang patay at isa ang sugatan matapos na magbanggaan ang dalawang motorsiklo kaninang madaling araw sa Brgy. Ibao, Lezo, Aklan. Ang patay ay kinilalang si Carlo Dela Rosa, 20-anyos ng Laguinbanwa East, Numancia habang ang sugatan ay nakilala namang si Franz John Crispino, 26-anyos at residente ng Brgy. Agcawilan sa nasabi ring bayan. Ayon kay PCpl. Ryan Delgado na mga bandang alas 12:00 kaninang madaling araw ay nakatanggap sila ng tawag mula kay Punong Barangay Renato De Guzman ng Brgy. Ibao na merong aksidente sa lugar. Pagdating ng mga pulis ay nasa lugar pa naka handusay ang mga biktima at agad nila itong dinala sa hospital kung saan idineklarang dead on arrival si Dela Rosa ng doktor dahil sa malubhang pinsala sa ulo, habang si Crispino ay inilipat sa pribadong hospital dahil sa ulo rin ang tama. Lumalabas sa imbestigasyon na si Dela Rosa ay galing Poblacion Lezo at papauwi na sana ganun din si Crispino na galing sa Ibao at papauwi naman sa Agcawilan pero pagdating sa lugar ay nagbanggaan ang mga ito. Parehong walang helmet ang dalawa, nakainum at si Crispino lamang ang may lisensya. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lezo PNP sa nasabing aksidente at kung ano ang magiging desisyon ng pamilya ni Dela Rosa.

Facebook Comments