Isa patay, isa sugatan sa pamamaril sa Caloocan City

62

Caloocan City, Philippines – Isa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki bandang alas diyes y medya kagabi sa Agudo St, Brgy 131, Caloocan City.

Ayon sa mga pulis, kinilala ang mga biktima na sina Maria Nina Arcinas at isang alyas Tope.

Pareho silang naisugod sa ospital ng anak ni Arcinas pero dead on arrival na si Arcinas.

Hindi pa tiyak kung ano ang kalagayan ni alyas Tope.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Joel Lopez, kuwento sa kanya ng isang saksi, nagkukuwentuhan lang sina alyas Tope, ang anak ni Arcinas at isa pang kaibigan sa labas ng tindahan.

Biglang dumating ang gunman na naakasuot ng itim na bull cap at walang takip ang mukha.

Makikita nga sa CCTV ng barangay 131 na isang lalaking naka-bull cap ang bumaba sa isang motorsiklo.

Lumapit ito sa tindahan nila Arcinas at pagkatapos lamang ng ilang segundo, tumakbo na ang lalaki pabalik sa motorsiklo at agad tumakas.

Apat na basyo ng hinihinalang kalibre kwarentay singko ang narekober sa crime scene.

Wala naman maisip na dahilan ang kapitan ng barangay kung bakit pinatay si Arcinas.

Hindi pa rin matiyak kung kasabwat ba ng dalawang suspek ang dalawa pang lalaki na sakay ng isang motorsiklo.

Nakatambay na kasi ang mga ito sa kalsada bago dumating ang mga suspek at lumipat ng puwesto pagdating nila.
DZXL558

Facebook Comments