Isa patay isa sugatan sa panibagong kaso ng pamamaril sa bayan ng Pikit North Cotabato

19

Isa ang patay habang Isa ang sugatan sa panibagong kaso ng pamamaril sa national highway ng Brgy. Poblacion particular sa harap ng Halal Carenderia sa municipal plaza sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng Cotabato pasado ala una ng hapon kahapon.
Kinilala ni PCI Romy Du-ot Castañares, hepe ng Pikit MPS, ang mga biktima na sina Moneb Macainas Usman, 44 anyos, may asawa, isang magsasaka residente ng barangay Rajamuda Pikit, Cotabato na nagtamo ng sugat sa kanyang ulo na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan. Kinilala naman ang sugatan na si Acob Macainas Sanday, 55 anyos, may asawa at kasalukuyan kagawad ng Barangay Talitay, Pikit, Cotabato na nag tamo ng sugat sa kanang balikat at patuloy na ginagamot sa Crusado Medical Hospital sa bayan ng Pikit.
Ayon sa salaysay ni Macainas sakay umano sila ng kanyang pamangkin ng Bajaj motorcycle na kulay itim na may plakang 6113 MP. Nagmula umano sila sa TopSire hardware & Buy & Sell at bumili ng semento at papauwi na sila sa kanilang tahanan sa Brgy. Talitay at dito na sila sinundan ng mga nakamotorsiklong suspect at bigla silang pinag babaril. Pagkatapos ng krimen ay humarurot papatakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon na sakay din ng isa pang motor.siklo

Pinaniniwalaang personal grudge ang motibo sa krimen at patuloy ngayon ang pursuit operation ng mga otoridad sa mga suspect.( with report from Jesy Ali)

Facebook Comments