Isa patay, matapos ang pagbagsak ng steel bar sa ongoing Skyway Project sa East Service Road sa Muntinlupa

832

Isa ang kumpirmadong patay at tatlo ang nasugatan matapos na limang sasakyan ang mabagsakan ng steel girder sa bahagi ng Skyway extension project sa East Service Road sa Cupang, Muntinlupa City.

Ang mga nasugatan ay dinala na sa iba’t ibang mga pagamutan.


Ayon naman sa contractor ng Skyway na EEI Corporation, tumagilid ang nasabing girder habang pinoposisyon ito ng crane at nalaglag ito kaninang bago mag alas-9:00 ng umaga.

Kabilang sa mga nadamay na sasakyan ang isang taxi, isang van, isang AUV at 2 motorsiklo.

Nakikipag-ugnayan na rin ang EEI Corporation sa pamilya ng mga biktima para sa kaukulang assistance.

Nagpaabot na rin ng pakikipagsimpatiya ang nasabing contractor sa pamilya ng mga biktima.




Bagama’t aksidente anila ang nangyari, tiniyak ng EEI na nire-review na nila ang kanilang protocols.

Facebook Comments