
Patay ang isang indibidwal matapos na lumiyab ang sinasakyan nitong SUV sa kahabaan South Luzon Expressway (SLEX) Northbound ng East Service Road sa Taguig City bago mag-alas-12 ng madaling araw.
Wasak ang harapan ng SUV at muntikan nang matusta ang kotse matapos itong lamunin ng apoy.
Pasado alas-3 ng madaling araw dinala ang labi ng biktima sa punerarya.
Patuloy na iniimbestigahan ng Highway Patrol Group o HPG ang pinagmulan ng sunog at ang pagkakakilanlan ng biktima.
Facebook Comments