Isa, patay matapos manlaban sa isinagawang buy bust operation sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isa umanong tulak ng droga makaraang manlaban sa mga pulis sa Manila North Cemetery, Blumentritt, Sta. Cruz, Manila

Kinilala ang napatay na drug suspect na si Jarizz Eusebio, alyas Nimar, 24 taong gulang, miyembro ng Commando Gang, at nakatira sa Sta. Fe St. Don Bosco, Tondo.

Nagpanggap na buyer ang isang pulis pero nakatunog ang suspek kaya bumunot ng baril at nagpaputok.


Agad namang gumanti ang pulis kaya nasawi si alyas Nimar.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 2 sachets ng umano’y shabu at buy-bust money.

Facebook Comments