Isa, patay sa karambola ng motorsiklo sa Cavite!

108

Dead on the spot ang isang motorbiker makaraang makabanggaan nito ang isa pang motorsiklo sa kahabaan ng Congressional Road sa Dasmariñas Cavite.

Ayon sa Police Regional Office 4A, kinilala ang nasawi na si Jeffrey Rebatis, habang kinilala naman ang driver ng motor na nakabanggaan nito na si Rannel Visitacion.

Binabagtas noon ni Rebatis ang kahabaan ng Congressional Road sa Brgy. Salitran 3, nang bigla itong sumalpok sa motor na minamaneho naman ni Visitacion.


Sa lakas ng pagkakabangga ay agad na nasawi si Rebatis, habang nagtamo naman ng matinding pinsala sa katawan si Visitacion na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

Facebook Comments