Isa patay sa magnitude 7.3 na lindol sa Indonesia

68

Isa ang naitalang patay matapos ang magnitude 7.3 na lindol ang Moluccas Islands sa Eastern Indonesia.

Ayon sa US Geological Survey, may lalim itong 10 kilometro at naitala ang sentro 168 kilometer south-southeast ng Ternate City.


Hindi bababa sa 30 aftershocks ang naganap.

Ayon sa Indonesian Disaster Mitigation Agency, maraming tao ang nag-panic ang lumabas ng kanilang mga bahay nang mangyari ang lindol.

Wala namang itinaas na tsunami alert.

Ang lindol sa Indonesia ay nangyari kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Western Australia.

Facebook Comments

From Advertisers