Isa, patay sa nangyaring sunog sa Maynila

174

Isang 55-anyos na lalaki ang naitalang nasawi sa nangyaring sunog sa Fabie Street, Brgy. 815, Paco, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Jules Moreno na natagpuan sa ibabang bahagi ng nasunog na bahay kung saan nadaganan pa ito ng mga bumagsak na debris.

Nagsimula ang sunog ng ala-1:17 ng madaling araw at tuluyang naapula makalipas ang halos isang oras.


Inabot ng ikalawang alarma ang sunog kung saan isang bahay ang totally damaged habang apat na katabing bahay nito ang bahagyang nadamay.

Inaalam pa ng Manila Fire District ang pinagmulan ng insidente maging ang halaga ng mga ari-arian na natupok.

Samantala, isang truck ng Manila Fire District ang nasangkot sa aksidente habang patungo ito at reresponde sa sunog.



Bumangga ang nasabing trcuk ng Manila Fire District sa isang nakaparadang jeep sa kanto ng Pedro Gil at Tejeron Street at saka ito tumagilid.

Apat ang sakay ng trak ng bumbero na dinala sa Sta. Ana hospital pero nakalabas din agad dahil maayos naman ang kanilang kalagayan.


Facebook Comments