Isa patay sa pag-atake ng leon sa isang animal center sa North Carolina

66

Patay ang empleyado ng isang animal center sa North Carolina sa Amerika makaraang atakihin ng nakatakas na leon.

Ayon sa pahayag ng Conservators Center sa Burlington, kinilala ang nasawi na si Alexandra Black, 22-anyos, isang newly-hired na empleyado ng center.

Nabatid na nagsasagawa ng routine enclosure cleaning ang kanilang team na binubuo ng professionally trained animal keeper nang makalabas ang leon sa kulungan.

Nagpunta ito sa isang lugar at doon inatake ang biktima.

Si Black ay mula sa New Palestine sa Indiana at kakatapos lamang mag-aral sa Indiana State University at dalawang linggo pa lang nagtatrabaho sa center.

Facebook Comments