Isa patay, walo sugatan sa pag-araro ng isang van sa London

16

London – Isa na ang patay habang walo ang sugatan sa pag-araro ng isang van ang mga taong kalalabas lamang ng mosque sa bahagi ng seven sisters road sa London.

Ayon sa UK authority – sinagasaan ang mga “worshiper” habang sila ay lumalabas sa Finsbury Park Mosque at katatapos lamang dumalo sa midnight prayer.

Agad naman naaresto ang suspek na driver ng van ay isang 48 anyos na lalaki.

Sa ngayon ay nagpatawag ng emergency meeting si Prime Minister Theresa May kaugnay sa nangyari na kanila nang itinuturing na ‘potential terrorist attack’.

Facebook Comments