Isa sa 8 namatay sa pamamaril sa California, Pilipino ayon sa DFA

73

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang isa sa walong biktima ng madugong railyard shooting sa San Jose, California ay Filipino descent.

Batay sa mga report ng Philippine Consulate General sa San Francisco, sinabi ng DFA na nasa proseso pa sila ng pangangalap ng impormasyon.


Handa rin ang DFA na magbigay ng tulong kung kinakailangan.

“There are eight fatalities in the shooting in California. The Philippine Consulate General in San Francisco is confirming reports that at least one of them is of Filipino descent. The Consulate General is in the process of coordinating with authorities to get more info and is ready to extend any assistance if warranted,” ayon sa DFA.

Tumanggi muna ang DFA na pangalanan ang biktima.

Kinilala ng US authorities ang suspek na si Sam Cassidy, 57-anyos na nagtatrabaho sa Valley Transportation Authority facility sa San Jose.



Hindi pa malinaw ang motibo sa krimen.


Facebook Comments