Isa sa mga most wanted person ng Panukalan Municipal Police Station sa Quezon Province, arestado sa lungsod ng Maynila

84

Naaresto ng mga pulis ang isang lalaki na itinutiring na Top 3 most wanted person ng Panukalan Municipal Police Station sa lalawigan ng Quezon.

Nakilala ang nadakip na si Ramon Astrera na tubong Brgy. Pandan sa Panukalan, Quezon.

Si Astrera ay nadakip sa may bahagi ng A. Roxas Street sa Brgy. 756 sa Malate, Maynila.


Nabatid na nahaharap si Astrera sa kadong paglabag sa RA 7610 sa child sexual abuse.

Tatlong taon din pinaghahanap ng mga aw1toridad si Astrera hanggang sa makakuha ng impormasyon na nakikita itong tumatambay sa Brgy. 756 sa Malate kaya’t ikinasa ang manhunt operation laban sa kaniya hanggang sa maaresto.

Facebook Comments