Isa sa mga pulis na positibo sa COVID-19, namatay na

1346

Kinumpirma ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa na pumanaw na ang isang pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Ngunit  tumanggi ang PNP Chief na magbigay ng iba pang detalye kaugnay sa pulis na namatay sa COVID-19.


Inihayag din ni Gamboa na isang Police Colonel din ang isinugod sa hospital kagabi matapos mahirapan makahinga.

Kasabay nito, iniutos ni Gamboa na huwag nang i-deploy sa control points ang mga pulis na edad 46 yrs old pataas.

Sa datos ng PNP, 13 pulis ang nagpositibo sa COVID-19, 182 ang Person Under Investigation (PUI) at 1,545 ang Person Under Monitoring (PUM).

Facebook Comments