Isa sa mga sales director ng Huawei, inaresto sa Poland

190

Inaresto ng mga otoridad sa Poland ang isa sa mga sales director ng Chinese telecommunications company na Huawei.

Ayon sa ulat, nag-e-espiya daw para sa bansang China ang suspek na kinilalang si Weijing Wang.


Kasamang naaresto ang isang Polish national na kaibigan nito kung saan nakakulong sila ngayon ng hanggang tatlong buwan at kung mapatunayang guilty, posible silang makulong ng hanggang sampung taon.

Matatandaan na una na din inaresto sa Canada ang finance chief ng Huawei na si Meng Wanzhou matapos daw nitong lumabag sa sanction ng Amerika sa bansang Iran.

Facebook Comments

From Advertisers