Isa sa mga suspek sa pagpatay kay Jang Lucero sa Calamba Laguna ang babaeng namatay sa 52 saksak sa katawan, naaresto na ng PNP

6015

Nadakip na ng mga tauhan ng Calamba City Police ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Jingle “Jang” Ates Lucero.

Si Jang Lucero ay ang 34 anyos na babaeng pinatay sa pamamagitan ng 52 saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ng kanyang mga pasahero noong gabi ng June 28, 2020 sa Bucal Bypass Road, Barangay Maunong, Calamba City, Laguna.


Ayon kay Regional Director Police Brigadier General Vicente Danao Jr., kinilala ang isa sa mga suspek na si Ann Sheila Montes Belarmino na naaresto nitong July 3 na positibong itinuro ng mga testigo sa krimen.

Sa ngayon, may lima pang suspek ang target sa manhunt operation ng Calamba City Police.

Facebook Comments