Isa sa mga suspek sa pagpatay kay Wilfredo Tamayo Jr., naaresto ng Numancia PNP

18
Kalibo, Aklan — Naaresto na ng mga miyembro ng Numancia PNP kahapon ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Wilfredo Tamayo Jr., 39-anyos ng Brgy. Mangan, Banga.
Ayon kay PMaj. Fidel Gentallan, COP ng Numancia PNP, naaresto si Jomar Palacios alyas ‘Joker’, 24-anyos at residente ng Brgy. Bulwang, Numancia sa Brgy Tabangka sa nasabing bayan sa bahay ng kanyang barkada.
Si Palacios ay may warrant of arrest sa kasong murder na may Criminal Case No.16247 na inisyu ni Hon. Jemena L. Abellar Arbis, Presiding Judge, RTC 6th Judicial Region, Kalibo, Aklan, na may petsang Hunyo 7, 2022.
Walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Bago pa man naaresto si Palacios ay naging mahigpit ang pag monitor ng mga kapulisan sa suspek at sa kasama nito.
Kung matandaan na itong si Palacios at ang kasama nitong si Rogie Franco ng Dueñas Iloilo at JR Montallana ay mga suspek sa pagpatay sa tricycle driver na si Tamayo matapos silang magpahatid sa Camansi Norte Numancia noong Nobyembre 27, 2021 ng gabi pero si Montallana ay naabswelto na at si Franco ay nananatili pang at-large.
Kung matandaan rin na si Tamayo ay natagpuan na lang na duguan at patay na sa gilid ng kalsada at maraming tama ng saksak.
Facebook Comments