Isa sa mga suspek sa pagpatay sa doctor to the barrio Dreyfuss Perlas, nanlaban – patay habang isinisilbi ang arrest warrant sa Lanao Del Norte

68

Sa Lanao Del Norte, napatay sa engkwentro ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang doctor to the barrio.

 

Kinilala ang suspek na si Agapito Democer, na kabilang sa most wanted sa lugar.

 

Nanlaban umano ang suspek habang inihahain ng mga pulis ang arrest warrant.

 

Hindi pa masabi ng mga pulis kung siya nga ba ang pumatay kay Dr. Dreyfuss Perlas noong Miyerkules (February 1).

 

Noong Biyernes, naiuwi na ang labi ni Perlas sa kanyang pamilya sa Aklan.

 

Dumalaw sa kanyang burol si Health Secretary Paulyn Ubial at sinabing idedeklara si Dr. Perlas bilang hero on national health.

 

Tuloy din ang doctor to the barrio’s program sa kabila ng nangyari.

Facebook Comments