Isa sa nabigyan ng trabaho noong 2019 ng DZXL Radyo Trabaho na taga-Caloocan City, binalikan ang kaniyang mga pinagdaanan

Masayang ibinahagi ni Noemi Mintino ng Bagong Silang, Caloocan na regular na siya ngayon matapos ang halos dalawang taon na pagtra-trabaho sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho.

Kuwento ni Noemi, natutulungan na niya ang kaniyang mga magulang pati na rin ang pagpapaaral sa mga kapatid dahil sa trabaho na ibinagay sa kaniya ng DZXL RT Team.

Ayon pa kay Noemi, pagmamahal sa trabaho at pagiging dedicated ang susi para magtagal sa trabaho.


Bukod dito, ibinahagi rin ni Noemi na mula sa dating mahiyain ay nagkaroon na siya ng kumpiyansa sa sarili bilang Sales Promodizer.

Samantala, sa mga gusto ring magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa mga programa ng DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Facebook Comments