Isa sa pinakamalaking ospital sa buong mundo na gagamitin kontra COVID-19, binuksan na ng India

213

Binuksan na ng India ang maituturing na isa sa pinakamalaking ospital sa buong mundo na magagamit sa paglaban kontra COVID-19.

Ito ay ang Sardar Patel Care Center na siyang pinakamalaking pasilidad sa India.


Nagsimula na itong mag-operate nitong linggo kung saan mayroon itong 10,000 beds capacity at 8,000 dito ay nakalagay sa Chattarpur Area sa Delhi.

Ang naturang ospital ay pangangasiwaan ng Indo-Tiberan Border Police (ITBP).

Sa ngayon, nasa halos 529,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India, kung saan higit 309,000 ang nakarekober at 16,095 ang nasawi.

Samantala, pumalo na rin sa higit 10.1 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, higit 5.1 milyon ang naka-rekober at 501,233 ang nasawi

Facebook Comments