Isa sa suspek sa Dacera case, itinangging ginahasa ang biktima

Mariing itinanggi ng isa sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant nasi Christine Dacera na ginahasa nila ang biktima.

Ayon kay Gregorio Angelo Rafael de Guzman, isa siyang bakla at kailanman ay hindi siya nakipagtalik sa babae.

Noong gabing nangyari ang insidente lang nila nakilala si Dacera.


Aniya, sinubukan din nilang isalba ang buhay ng biktima nang makita nila itong hindi gumagalaw sa bath tub.

Idinala rin nila ang biktima sa ospital at sumadya sa police station.

Isa si De Guzman sa itinuturong salarin sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant.

Una nang nadakip sina John Pascual Dela Serna III, 27, Rommel Daluro Galido, 29, at John Paul Reyes Halili, 25.

Pinaghahanap naman sina Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang Ed Madrid, at isang nagngangalang Paul.

Sa paunang pagsusuri sa ospital, lumilitaw na ruptured aortic aneurysm ang dahilan ng pagpanaw ng biktima.

Facebook Comments