Isabel Oli, buntis sa ikatlong anak nila ni John Prats

2330

May good news ngayong panahon ng pandemic ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli.

Ipinagbubuntis kasi ngayon ni Isabel ang ikatlong anak nila ni John Prats.


Sa instagram ni Isabel, nagpost ng picture ng kanilang pamilya ang aktres kung saan, nakatalikod pa sa unang picture si Isabel at sa ikalawang larawan ay nakaharap na ito with her baby bump.

Ayon kay Isabel – 24 weeks pregnant na siya ngayon pero at inaasahang manganganak sa July.

Umaasa ang aktres na sana ay makapagbigay daw ng saya ang mga mukha ng kanilang mga fans lalo na sa panahon ngayon ng pandemic, ang dumating na blessing sa kanilang pamilya.

2015 ng kinasal sina John at Isabel at sa loob ng limang taon ng magiging family of five na rin sila.

Una nang biniyayaan ng mag-asawa ng anak na babae at lalaki.


Facebook Comments