Isabela PPO, Humakot ng Parangal kasabay ng 120th Police Service Anniversary

13

Cauayan City,Isabela- Nag-uwi ng apat (4) na parangal ang pamunuan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) kasabay ng 120th Police Service Anniversary celebration na may temang “Hangad na Kalinisan sa Kapulisan, Kapaligiran at Komunidad; Ibayong Gampanan para sa Pangkapulisang Integridad” na idinaos sa Police Regional Office 2.
Personal na tinanggap ni IPPO Director PCol. James Cipriano ang pagkilala bilang ‘Best Police Provincial Office’ at Best Municipal Police Station (Type C) ang Gamu Police Station.

Ginawaran naman ng pagkilala bilang Best Senior PCO for Operations si PCol. Cipriano, Best Junior PNCO for Operations si PSSg. Ruben Andres ng Cauayan City Police Station, Best NUP (Non-Supervisory Level) ang iginawad naman kay Katherine Joy M Barnacha ng Roxas PNP.

Bukod sa kanila, kinilala rin ang ambag ng stakeholders kung saan tumanggap ng Plaque of Recognition si Brgy. Chairman Santos Garduque ng District 1, Benito Soliven.


Dumalo rin sa nasabing selebrasyon virtual si DILG Asec. Atty. Odilon Pasaraba, Special Concerns-Local Government Sector, Department of the Interior and Local Government.

Tiniyak naman ng IPPO na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay upang mapanatiling ligtas sa krimen at ilegal na droga ang mga komunidad.

Facebook Comments