Isabela, tinanghal na Best Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa 18th Gawad Kalasag Award

Isabela, Philippines – Pinarangalan bilang Best Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa ikalawang pagkakataon ang lalawigan ng Isabela kaugnay sa 18th Gawad Kalasag Award.

Ipinagkaloob ang nasabing parangal ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa pangunguna ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad.

Nasa pangalawang puwesto naman ang Pampanga at pangatlo ang Dinagat Island.


Naiuwi din ng lungsod ng Santiago ang parangal bilang Best City PDRRMC Council.

Nanalo naman ang Digos City sa dependent at component category, sinundan ng Negros Occidental, Koronadal City at South Cotabato.
Nagwagi naman ang bayan ng Villa Verde sa lalawigan ng Nueva Vizcaya para sa municipal category.

Tinanghal naman ang rescue 922 ng siyudad ng Cauayan bilang Best City Risk Reduction Management Council.
DZXL558

Facebook Comments