Isabela, Walang Naitalang Bagong Kaso ng COVID-19

18

Cauayan City, Isabela- Walang naitalang panibagong bilang ng positibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, mayroong 261 na kasalukuyang bilang ng active cases sa Isabela matapos makapagtala rin ang probinsya ng 21 na panibagong gumaling sa sakit.


Mula sa 261 na active cases, anim (6) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), dalawampu’t tatlo (23) ang Non-Authorized Persons Outside Residence (APOR), tatlumpu (30) ang Health Workers, tatlong (3) pulis at 199 na maituturing na Local at Community Transmission.

Ang Isabela ay mayroon ng labing walo (18) na naitalang COVID-19 related death.

Facebook Comments