Isang 58-anyos na lalaki, kalaboso sa iligal na droga sa Navotas

37

Hindi na nakapalag pa ang isang 58-anyos na lalaki ng masakote siya sa iligal na droga sa lungsod ng Navotas.

Ang suspek ay kinilalang si Arnold Villanueva na residente ng Barangay Tangos North.

Nasakote si Villanueva ng magsagawa ang SDEU-Navotas City Police Station ng buy bust operation, sa pamumuno ni PLt. Luis Rufosa kahabaan ng Oliveros Street sa nabanggit na barangay Tangos North.


Narekober sa kanya ang limang sachet mg shabu na tinatayang nasa 6.5 gramo na nasa ₱44,000 ang halaga.

Napag-alaman na diskarte ng suspek ang magbenta ng iligal na droga tuwing gabi kung saan pawang mga pampublikong tsuper ang kaniyang mga parokyano.

Facebook Comments