Isang 67 taong gulang na biyuda pinalakol at namatay sa Brgy. San Juan, Surigao City

Isang 67 taong gulang na biyuda pinalakol at namatay sa Brgy. San Juan, Surigao City Kinilala ang biktima na si Norma Mondero, naninirahan sa naturang barangay. Nasugatan rin ang isang buntis na si Emily Morillon, 25 taong gulang. Ang suspek ay Isang Joel Peroblanca Dalugdugan,43 taong gulang, construction worker. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakaupo lamang ang biktima sa loob ng bahay nang pinasok ng suspek na lasing at doon na isinagawa ang pananaga. Si Mondero ang namatay kaagad samantalang nasa ospital naman ang nasugatan na si Morillon.

Sent from my iPhone

Facebook Comments