Isang Amerikano, arestado dahil sa pag-a-upload ng sex videos sa internet

95

Manila, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation ang isang Amerikano dahil sa pag-a-upload ng sex videos sa internet.

Naaresto ang suspek na si Lee David Colglazier, 62-anyos sa bahay nito sa barangay Taculing sa Bacolod City.

Ayon kay NBI Agent Renoir Baldovino — ikinasa ang operasyon kasunod ng sumbong ng isa sa mga sexual partners nito dahil sa pag-aupload ng kanilang pagtatalik sa internet.

Nakumpiska pa mula sa suspek ang laptop at cellphone na naglalaman ng samu’t saring sex videos.

Nasa kustodiya na ng NBI ang Amerikano na nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa anti-photo and video voyeurism act at anti-trafficking in persons.

DZXL558

Facebook Comments