Isang Anti-Marcos Advocate, naniniwalang buhay pa ang diwa ng EDSA

28

MANILA, PHILIPPINES – Naniniwala ang people power advocate na si Rizalito David na buhay pa rin ang diwa ng EDSA revolution.

 

Sa interview ng RMN kay David – kung walang nangyaring paglaban sa mapang-abusong rehimen noon ay walang tinatamasang demokrasya hanggang sa ngayon.

 

Nanawagan din si David sa mga kabataan na huwag mahihiyang tanungin sa mga nakakatanda ang mga nangyari noong EDSA revolution.

 

Kahapon, inilunsad na sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City ang simbolikong protesta ng grupong block Marcos, at ibinandera roon ang mga banner na “hukayin!” at “harangin ang diktaturya, baguhin ang sistema”.



Facebook Comments