ISANG ARAW | Deadline para sumagot ang Gilas Pilipinas sa nangyaring rambulan sa Philippine Arena, inextend

73

Manila, Philippines – May hanggang bukas ng ala-6 ng umaga ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para isumite ang panig nito sa nangyaring rambulan sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia sa kanilang laro sa Philippine Arena noong July 2.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, parehong binigyan ng extension ng FIBA ang Pilipinas at Australia.

Noong July 10 ang unang petsa na itinakda ng FIBA para magpaliwanag sa nangyaring gulo ang SBP at Australian Basketball Federetion kung saan siyam na player ng Gilas at apat naman sa Boomers ang pinatalsik sa laro.

Sabi pa ni Panlilio, posibleng ilabas mula isa hanggang dalawang linggo ng FIBA ang magiging hatol nito sa insidente.

Facebook Comments