Isang Araw na Libreng Pagpaparehistro, Bukas Na!

Cauayan City, Isabela – Isasagawa na bukas February 28, 2018 ang libreng pagpaparehistro kaugnay sa huling araw sa selebrasyon ng Civil Registration Month.

Ayon sa pahayag ni City Registrar Officer Nerissa Serrano isang araw lamang ang libreng serbisyo dahil ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng Civil Registration Month kung saan nauna nang isinagawa ang Kasalang Bayan noong February 22 dito sa Cauayan City.

Ipinaliwanag pa ni Ms. Serrano na ang libreng serbisyo ay katulad ng late registration kung saan maalis ang bayarin dito.


Gayunpaman hindi umano libre ang iba pa tulad ng mga requirements at certifications na sila ay hindi pa naitatala sa Philippine Statistic Authority o PSA kung saan isa itong kailangan sa late registration.

Samantala nanawagan ang pamunuan ng CRO na magparehistro na bukas dahil malaking tulong narin umano ang isang araw na libreng serbisyo.

Facebook Comments