Isang araw na maling desisyon ng mga botante, maaaring makaapekto sa bansa sa susunod na anim na taon ayon sa Lacson-Sotto tandem

94

Nagbabala sina presidential candidate at Senador Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III laban sa pagboto sa maling uri ng mga lider kabilang ang mga nagnanakaw at kulang sa karanasan at kakayahan upang malutas ang napakalaking problemang kinakaharap ng bansa.

Ayon sa tambalang Lacson-Sotto, mahalaga na kilatisin mabuti ng mga botante ang kanilang pipiliing lider dahil anim na taon tayong maghihirap kapag nagkamali silang pumili ng tamang pinuno na siyang gagabay sa pag-unlad ng Pilipinas.

Paliwanag nina Lacson-Sotto tandem, matatalino na ang mga botante at alam na nila kung sino-sino ang may kakayahan at karanasan na mamuno ng bansa kung saan malaki ang kanilang tiwala na papabor sa kanila ang huling minutong desisyon ng mga botante sa araw ng eleksyon.


Naniniwala ang tambalang Lacson-Sotto na mababago pa rin ng mga botante ang kanilang isip sa huling segundo bagama’t naninindigan sila na ang mga survey ay isang snapshot ng damdamin ng mga tao sa isang partikular na araw.

Facebook Comments