Isang babae, arestado sa iligal na droga sa Binondo, Maynila

26

Kalaboso ang isang babae matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Binondo, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Marivel Cabili, 45-anyos, walang trabaho at residente ng Parola Compound sa Tondo.


Nabatid na ikinasa ng Meisic Police Station o MPD Police Station-11 ang operasyon laban sa suspek at mga kasabwat nito matapos makatanggap ng impormasyon na talamak na nagbebenta ng droga sa Binondo ang grupo ni Cabili.

Pero hindi natiyempuhan ng mva otoridad ang mga kasabwat ni Cabili kung saan nakuha naman sa suspek ang pitong sachet ng shabu na may bigat ng halos isang gramo at nsgkakahalaga ng P6,800.00.

Aminado ang suspek na nagbebenta ng iligal na droga pero tikom ang bibig ng tanungin kung sino-sino at ano ang pangalan ng kaniyang mga kasama.

Facebook Comments