Isang babae na sangkot sa illegal recruitment, arestado ng MPD

59

Nadakip na ng Manila Police Dsitrcit (MPD) Station-13 o Baseco Police Station ang isang senior citizen na babae na sangkot sa pagsasagawa ng illegal recruitment.

Nakilala ang naaresto na si Rosi Balag, 63-anyos at residente ng Quezon City.


Nabatid na nagtungo ang mga tauhan ng Baseco Police Station sa Quezon City matapos na makatanggap ng impormasyon na nakita ang suspek sa isang bahay sa may bahagi ng Fort Santiago Street sa Barangay Alicia.

Kusa naman sumama si Balag kung saan napag-alaman na ilang mga kapitbahay, kaibigan at kakilala nito ang kaniyang niloko at pinangakuan na sila ay makakapag-trabaho sa ibang bansa kung magbibigay ng pera.

Inaalam naman ng mga otoridad kung sino-sino ang kasabwat ng suspek at kung anong grupo ito nabibilang.

Facebook Comments