Isang babae, patay sa pamamaril sa lungsod ng Maynila

70

Patay ang isang babae matapos barilin sa ulo habang naglalakad sa Port Area sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang biktima na si Janel Seguros, 21-anyos.


Ayon sa Manila Police District (MPD) Homicide Division, huling nakita ang biktima na naglalaro sa isang computer shop sa Brgy. 650.

Pagkaalis ng biktima ay sinundan siya ng isang lalaki at habang naglalakad ay binaril ito ng malapitan sa ulo.

Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek kung saan napag-alaman ng pulisya na sangkot ang biktima sa serye ng nakawan sa kanilang lugar at kalalabas lang din ng kulungan dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang MPD para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek gayundin ang motibo sa krimen.

Facebook Comments