Isang babaeng Chinese national na ikinulong ng kapwa nitong Chinese, nasagip ng mga otoridad

59

Sinalakay ng otoridad ang Room 301 ng My Town Istanbul Bldg. sa may Barrio Visaya St., Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City pasado alas-12:30 ng hapon kahapon.

Ito’y matapos magsumbong ang dalawang kaibigan ng biktima na parehong Chinese nationals sa Makati City Police Sub-Station 7.


Matapos makumpirma ang nasabing report, agad nagsagawa ang mga pulis ng operasyon upang sagipin ang biktima.

Naabutan ng mga pulis ang dalawang lalaking suspek na sina Hong Yang, 38-anyos, at Shuangling Hu, 33-anyos.

Nakita rin ng mga pulis ang babaeng biktimang si Tang Fei, 27-anyos na nakaposas sa isang sulok ng nasabing kwarto.

Ayon sa biktima, hinihingan siya ng ₱3.9 milyon, kapalit ng kanyang kalayaan.

Nakakulong na ang mga suspect na Chinese nationals sa Makati City Police Station Custodial at nahaharap ito sa kasong illegal detention.




Facebook Comments