Isang babaeng lumabag sa pagsusuot ng face mask, nahulihan ng iligal na droga sa Marikina City

72

Kalaboso ang isang babae na hindi nagsuot ng face mask at face shield matapos na mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa Brgy. Malanday, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Rowena Galanta, 33 anyos.


Ayon kina Barangay Tanod Maria Joy Recluta at Dexter Beltran, mahigpit nilang ipinatutupad ang city ordinances sa kanilang nasasakupan nang maispatan nila ang suspek na hindi nakasuot ng face mask at nang kapkapan ay nakumpiska ang 0.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kaso ng naturang suspek.

Facebook Comments