Isang bahay na nagsisilbing drug den sa Quezon City, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at QCPD

141

Arestado ang apat na drug suspect sa raid ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) Station 10 sa isang drug den sa Quezon City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Arthur Cambay, 51, Renato Sison, 28, Jessie Ordoño, 42 at Rose Mary Ordoñio, 35-anyos.

Pasado alas-2:00 ngayong hapon nang salakayin ng mga awtoridad ang drug den na nasa ikatlong palapag na bahay sa #23 Maunlad St., Barangay Pinyahan, Quezon City.


Bago isinagawa ang pagsalakay, sumailalim muna ito sa surveillance ng PDEA agents.

Nabawi rin sa kanila ang humigit-kumulang 15 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Hanggang ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang PDEA sa lugar ng pinangyarihan.



Facebook Comments