Isang barangay administrator, inaresto sa kasong kasabwat sa pagpatay sa isang empleyado ng DSWD

Makalipas ang isang buwang pagtatago sa batas sa wakas bumagsak na rin sa kamay ng mga operatiba ng Marikina City Police Station Warrant and Subpoena Unit ang isang Barangay Administrator makaraang tumulong ito upang paslangin ang isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Malaya St., Brgy. Malanday, Marikina City.

Kinilala ang akusado na si Reynaldo Mejia Jr., 42 anyos at isang barangay administrator residente ng no. 215 Malaya St., Brgy. Malanday, Marikina City.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Honorable Judge Acerey Pacheco Presiding Judge RTC Branch 165 Marikina City, inaresto ni PLt. Archie Palomar ang akusado sa kasong Accessory of the Crime of Murder na nangyari noong October 18.


Facebook Comments