Isang barangay kagawad, patay matapos barilin sa loob ng barangay hall sa Sampaloc, Maynila

154

Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin sa loob ng barangay hall sa Brgy. 484, Zone-48, Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Kagawad Antonio Calma Jr.


Ayon sa kasama nitong kagawad na si Josie Cruz, pasado alas-10:00 kagabi habang nagpupulong sila sa loob ng barangay hall kasama si Kagawad Calma, nang biglang may sumipa sa pintuan at nang magbukas ito ay dito na sila pinaputukan ng hindi nakilalang suspek.

Matapos nito, binalikan pa ng suspek si Kagawad Calma saka pinaputukan ng ilang beses hanggang sa mapatay.

Mabilis na tumakas ang suspek habang wala naman nasugatan sa ibang kasama ng biktima kung saan patuloy na inaalam ng Sampaloc Police ang motibo sa krimen lalo na’t walang kaaway ang nasawing kagawad.

Facebook Comments