Umapela ng mga kagamitan at imprastraktura sa mapagkukunan ng maiinom na tubig ang mga residente sa Brgy. Cadacla, San Fernando City, La Union.
Sa pagpupulong na pinangunahan ng Pamahalaang Panlungsod, hiling ng residente ang pagkakaroon ng balon, jetmatic water pump, drum, hose, at water delivery sa kanilang lugar.
Matatandaan noong 2021,nakaranas ang ilang bahagi ng lungsod ng problema sa water supply lines dahilan ng shortage maging sa karatig bayan. Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na tutugunan ang naturang isyu para sa kapakanan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments