Isang barangay sa Valenzuela, makararanas ng water interruption

Nag-abiso ang Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela City sa mga residente ng Barangay Mapulang Lupa na mawawalan ng serbisyo ng tubig sa June 17.

Sa abiso ng lungsod, ang mga costumer na sineserbisyuhan ng Maynilad sa Barangay Mapulang Lupa ay makararanas ng water interruption mula alas-10:00 ng gabi ng June 17 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng June 18.

Ito ay bunsod ng network maintenance activity sa kahabaan ng Avocado corner A. Mariano.


Bahagi ito ng service improvement ng Maynilad.

Pinapayuhan naman ang mga residente sa magaganap na water interruption na mag-ipon ng kanilang tubig.

Facebook Comments