Isang booster shot, dapat isama sa minimum COVID vax compliance

60

Tiniyak ng Barangay Health and Wellness o BHW Party-list ang buong suporta sa vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19 at iba pang programa sa pagbabakuna laban naman sa iba pang uri ng sakit.

Kaugnay nito ay muling nanawagan si BHW Party-list Representative Angelic Natasha Co na isama ang unang booster shots sa minimum compliance para sa pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa lahat ng private at government workplaces.

Sabi ni Co, maari lang exempted sa pagbabakuna ay kung may karamadaman ito na maaapektuhan ng COVID vaccines.


Ang mungkahi Co ay sa harap ng tumataas muling kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunsod nito ay suhetsyon din ni Co ang paglalagay ng vaccination centers sa mga transport terminals, malls, at iba pang matataong lugar gayundin sa loob ng mga campus ng mga unibersidad, kolehiyo at sekondarya.

Humihirit din ang grupo na payagan na ang walk-ins sa mga vaccination venue.



Facebook Comments