Isang boss ng kumpaniya sa China, nagbibigay ng cash bonus sa mga empleyado nito na nagbabawas ng timbang

32

China – nag-trending ngayon sa international news headlines ang isang boss ng kumpanya matapos magbigay ng cash reward sa mga employee nito na kayang magbawas ng timbang.

Ang mga empleyado ng Xian Jingtian Investment Consulting ay makakatanggap ng 100 yuan ($15.00 / P747.00) kada kilong mababawas sa kanilang timbang bilang parte ng cash reward system.

Naisip daw itong gawin ng kanilang boss na si Wang Xuebao dahil mas bumibigat daw ang timbang ng kanyang mga empleyado sa maghapong pag-upo sa opisina.

Kalahati na sa mga empleyado ng kompanya ang naengganyong mag-gym at kumain ng healthy foods para mas makatanggap pa ng mas malaking cash bonus.
DZXL558

Facebook Comments