Isang bulto ng cocaine, narekober sa Mauban, Quezon

55

Mauban, Quezon – Isang bulto na naman ng hinihinalang cocaine ang natagpuan sa dalampasigan ng Mauban, Quezon.

Ito na ang ikatlong bulto ng cocaine na natagpuan ngayong linggo sa dalampasigan ng probinsiya.

Sa report ng PNP Region 4-A sa Kampo Krame, pasado alas-3 Huwebes ng hapon ng rumespunde ang mga pulis sa ulat na may nakuhang bloke ng cocaine sa Sitio Sampitan, Barangay Cagsiay Dos.

Tumitimbang ito ng halos isang kilo na ngayong ay sumasailalim na sa pagsusuri ng police crime laboratory ng Region 4-A-.

Noong nakaraang linggo, nasa P491 milyong halaga ng cocaine ang natagpuan sa iba’t-ibang dalampasigan sa silangang bahagi ng bansa.

Facebook Comments